
FILE PHOTO: Mass Rail Transit (RAYMOND BALA LACSA / PHOTOVILLE International)
MANILA, Philippines — Magkakaloob ng libreng sakay ang Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) sa mga Filipino seafarer sa Martes, June 25 bilang pakikiisa sa Filipino Seafarer’s Day.
Ang libreng sakay sa LRT Line 1 and 2 at MRT 3 ay mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 hanggang alas-7 ng gabi.
Nagpaalala naman ang Department of Transportation and Communications (DOTC) sa mga nais mag-avail ng free ride na iprisinta lamang ang kanilang seaman’s book o PRC I.D.
Taong 2011 nang lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Proclamation 183 na nagdedeklara sa June 25 bilang Day of the Filipino seafarer.
Ito’y bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga seaman sa pagpapaunlad ng bansa. (UNTV News)