Quantcast
Viewing all articles
Browse latest Browse all 84

Lifespan ng mga bus, hanggang 15-taon na lang — LTFRB

Image may be NSFW.
Clik here to view.
FILE PHOTO: Isang pampasaherong bus na tumatahak sa kahabaan ng EDSA (RAYMOND BALA LACSA / Photoville International)

FILE PHOTO: Isang pampasaherong bus na tumatahak sa kahabaan ng EDSA (RAYMOND BALA LACSA / Photoville International)

MANILA, Philippines — Maglalabas na ng regulasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sapaglilimita sa lifespan ng mga pampasaherong bus sa bansa.

Sa panayam ng UNTV kay LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez sa programang “Get It Straight with Daniel Razon” kaninang umaga, sinabi nito na hanggang 15 taon na lamang maaring gamitin sa pamamasada ang mga bus.

“Sa mga buses natin ngayon, ito ay hindi dapat lalagpas ng 15 taon mula sa kanilang date of manufacture.”

Dagdag pa ni Ginez, “ito po ay parang pagbabalanse na rin sa pakiusap ng mga bus companies para magkaroon sila ng sapat na panahon na pagrecover ng kanilang investment.”

Ang nasabing regulasyon ay bahagi ng programa ng pamahalaan upang gawing makabago ang mga pampublikong sasakyan para na rin sa kapakanan ng mga mananakay.

Ayon sa kalihim, ang mga bus na lagpas sa 15 taon ay hindi na papayagan pang magpa-rehistro sa LTO pagpasok ng 2014.

“Hindi na po sila ia-allow ng certificate of road worthiness. Binibigyan na lang po natin sila ng taon na ito ng phasing out period para pagpasok ng bagong taon ay talagang hindi na sila papayagang magrehistro uli sa LTO,” pahayag pa ni Ginez.

Magiging katuwang ng LTFRB ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Transportation and Communication (DOTC) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagpapatupad ng nasabing proyekto simula ngayong Hulyo. (Bianca Mari Dava & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 84

Trending Articles