Quantcast
Channel: Travel – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 84

LTO, makakapag- issue na ng plaka ng mga sasakyan simula sa Agosto

$
0
0
FILE PHOTO: Pansamantala, ang mga bagong rehistrong mga sasakyan ay ginagamit muna ang nakasulat sa kanilang conduction sticker bilang temporary license plate. (RAYMOND BALA LACSA / Photoville International)

FILE PHOTO: Pansamantala, ang mga bagong rehistrong mga sasakyan ay ginagamit muna ang mga nakasulat sa kanilang conduction sticker bilang temporary license plate. (RAYMOND BALA LACSA / Photoville International)

MANILA, Philippines – Maaari nang maglabas ng mga bagong plaka ng mga sasakyan ang Land Transportation Office (LTO) simula sa Agosto.

Ayon kay LTO Chief Virginia Torres, nakahanda na ang mga plaka ngunit naantala lamang ang paghahatid nito sa kanilang tanggapan.

Nilinaw ni Torres na pansamantala lamang ang ipinatutupad na ordinansa kung saan ginagamit ng mga bagong sasakyan ang conduction sticker bilang mga plaka nito.

Ang mga bagong plaka ay may barcode kung saan makikita ang plate number ng sasakyan, engine number, chassis number, serial number, number of plate locks at third plate sticker.

Para sa mga public utility vehicle, nakasaad na sa plate number ang ruta ng kanilang sasakyan.

Ang mga bagong plaka ay permanenteng ikakabit sa mga sasakyan sa pamamagitan ng one-way metal screw.

Ang isang plaka ay magkakahalaga ng mahigit isang daang piso para sa mga motorsiklo at mahigit apat na raang piso naman para sa mga kotse at iba pang uri ng motor vehicle.

Inaasahan na makakagawa at makakapag-isyu ng mahigit 5-milyong bagong plaka ang LTO sa mga motor vehicles at mahigit 9-milyon naman para sa mga motorsiklo.

Sa kabuoan, aabutin ito ng mahigit 3-bilyong piso kasama na ang supply at delivery ng mga plaka simula July 2013 hanggang June 2018. (Mon Jocson & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 84

Trending Articles