
LRT Roosevelt Station (CONTRIBUTED PHOTO)
MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ngayon ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang posibleng pagpapalawig ng kanilang operating hours sa panahon ng tag-ulan.
Ayon kay LRTA Spokesman Hernando Cabrera, kasunod ito ng epekto ng mga pagbaha sa Metro Manila dahilan para ma-stranded ang maraming pasahero partikular ang mga estudyante.
Sa kasalukuyan, ang huling biyahe LRT Line 1 na rutang Pasay-Quezon City ay alas-9:30 hanggang alas-10 ng gabi.
Gayunman, aminado ang opisyal na kailangan din nilang isaalang-alang ang kondisyon ng kanilang mga tren kapag itinuloy ang plano. (UNTV News)