Quantcast
Channel: Travel – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 84

Pagpapatupad ng permanenteng daytime total truck ban sa Metro Manila, pinag-aaralan na ng MMDA

$
0
0
FILE PHOTO: Isang 10-wheel truck sa bahagi ng EDSA-Bagong Barrio sa Caloocan (RAYMOND BALA LACSA / Photoville International)

FILE PHOTO: Isang 10-wheel truck sa bahagi ng EDSA-Bagong Barrio sa Caloocan. Kapag napagtibay na ang truck ban, bawal na dumaan ang mga ito sa kahabaan ng EDSA sa araw maliban lamang ang mga biyahero ng mga perishable goods. (RAYMOND BALA LACSA / Photoville International)

MANILA, Philippines — Nakatakdang magpulong sa unang linggo ng Hulyo ang konseho ng 17 alkalde sa Metro Manila.

Pag-uusapan rito ang plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na gawin nang permanente ang pagbabawal sa mga truck na dumaan sa EDSA tuwing umaga.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ang mga truck sa Bonifacio Drive sa Port Area, Ayala Avenue sa Makati at Katipunan sa Quezon City ang isa sa mga dahilan ng traffic congestion tuwing rush hour.

Rekomendasyon ng MMDA na ipatupad ang “Manhattan truck route” kung saan bawal bumiyahe ang mga truck na galing port area tuwing umaga.

Nilinaw naman ni Tolentino na hindi kasama dito ang mga truck na may kargang mga perishable goods gaya ng gulay at mga prutas.

Inaasahan na sa darating na Hulyo ay magkakaroon na ng malinaw na paguusap hinggil sa plano ng ahensya. (Robie Demelletes / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 84

Trending Articles