Quantcast
Channel: Travel – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 84

Biyahe ng mga eroplano sa Tacloban Airport, balik normal na matapos ang emergency repair sa runway ng paliparan

$
0
0

Ang Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban City na balik operational na matapos ang isang emergency repair. (UNTV News)

TACLOBAN CITY, Philippines – Balik na sa normal nitong Huwebes ang operasyon ng Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban City matapos na pansamantalang isara noong Miyerkules.

Isa ang paliparan sa malubhang napinsala ng storm surge na idinulot ng Bagyong Yolanda nitong nakaraang taon.

Dalawampu’t apat na oras na ipinatigil ng Civil Aviation Authority (CAAP) upang mabigyang daan ang pagsesemento sa mga pothole sa runway ng paliparan.

Ayon kay Efren Nagrama, Area 8 Manager ng CAAP, matagal nang nagsasagawa ng mga repair sa runway tuwing gabi, ngunit dahil lalong lumalaki ang mga pothole habang tumatagal dahil sa mga pag ulan ay nagdesisyon na ang CAAP na isara ito para sa emergency repair.

“Sinusubukan talaga namin na walang disruption sa operation natin that is why every night nagre-repair kami before pa itong closure minsan lang na iinterupt kami because of weather condition di naman didikit yong aspalto pag mabasa sya pero sa dami nga rin ng tama kayo sa dami ng complainant na piloto na unsafe na abruptly, we decided na mas pahalagahan natin yong safety kaysa naman ituloy-tuloy natin yong operation may madisgrasya pa.”

Sa ngayon ay balik normal na ang 12 biyahe ng Airphil Express, Air Asia Zest, Tiger Airways at Cebu Pacific papasok at palabas ng Tacloban.

Humingi naman ng paumanhin sa mga pasahero ang pamunuan ng CAAP sa nangyaring pagkaantala ng mga flight.

“Una-una gusto nating humingi ng paumanhin doon sa naapektuhan nitong cancellation nation but then again inuulit-ulit natin na walng delay dapat ang pagde-decide kung safety o buhay ng tao ang nakataya. Gagawin namin ang lahat ng paraan na hindi na ito maulit kahit sa maliit na oras lang ng pagko-close natin,” dagdag ni Nagrama. (Jenelyn Gaquit / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 84

Trending Articles