
Ang sikat na Chocolate Hills ng Carmen, Bohol ay kasalukuyang nakasara dahil sa mga pinsalang tinamo mula sa 7.2 magnitude na lindol na tumama nitong Martes, October 15. Bukod sa nawasak na viewing deck na ito ay may mga burol mismo na nagkaroon ng malalaking hiwa. (JULIUS CASTROVERDE / PHOTOVILLE International)
MANILA, Philippines – Pinangangambahang malaki ang magiging epekto sa turismo ng pinsalang dulot ng malakas na lindol sa Cebu at Bohol.
Ayon kay Tourism Spokesperson Assistant Secretary Benito Bengzon, ipinag-utos na ni Department of Tourism (DOT) Secretary Mon Jimenez sa kanilang crisis management committee na planuhin ang alternative tour programs sa Cebu at Bohol.
Kasabay ito ng pagiisip ng mga paraan upang maibalik ang market confidence sa bansa.
Malaki naman ang nakikitang pag-asa ng kagawaran na makababangon agad ang industriya ng turismo sa dalawang pangunahing tourist destination sa bansa. (Francis Rivera / Ruth Navales, UNTV News)