Quantcast
Channel: Travel – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 84

Mangga ng Guimaras, bida sa Manggahan Festival 2013

$
0
0
Ang pamosong mangga ng Guimaras na tampok sa Manggahan Festival 2013. (UNTV News)

Ang pamosong mangga ng Guimaras na tampok sa Manggahan Festival 2013. (UNTV News)

GUIMARAS, Philippines – Sari-saring programa at produkto ang tampok sa binuksang Manggahan Festival 2013 na sinimulan nitong Lunes, Abril 8.

Bida sa programa ang masarap, matamis at ipinagmamalaking mangga ng Guimaras kasama ang iba’t ibang produkto ng isla gaya dried mango at mango catsup.

Layon ng pagdaraos ng programa na hikayatin ang mga turista na bisitahin ang isla at palakasin ang industriya ng mangga na pangunahing produkto at pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga tao sa probinsya ng Guimaras.

Kinikilala sa buong mundo ang mangga ng Guimaras dahil sa dekalidad nitong sarap at tamis.

Bukod sa samu’t-saring produkto, atraksyon din sa pagdiriwang ang Cultural Show, Mango Man Triathlon, Fun Run, Agri-Trade Fair, Food Festival, search for the Mutya ng Guimaras 2013, at ang pinakaaabangan “Guimaras Mango eat-all-you-can”.

Umaasa ang lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng Manggahan Festival ay dadayuhin rin ng mga turista ang iba pang magagandang lugar sa Western Visayas Region. (Earl Camilo & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 84

Trending Articles